top of page
IMG_9634_Original.HEIC
IMG_0536.jpeg

Mga Litrato ni Bea Consul

Written by Psalm Hidalgo and Ricarla Nolasco

Paano Gagamitin Ang Wikang Filipino sa Panunulat?

Mabuhay ang panitikan ng Filipino, na nagsisilbing ilaw at gabay sa ating kultura at pagkakakilanlan!

IMG_9655_Original.HEIC

Nagsimula ang programa sa maikling aktibidad na ibinahagi ni Bb. Aragona kung saan ay isasalin ng mga manonood sa ingles ang mga pelikulang tagalog na ipinapakita habang pinapanatili parin ang pangunahing mensahe ng mga ito. Pagkatapos nito, nagkwento ang manunulat tungkol sa kanyang talambuhay at mga karanasan bilang isang indibidwal na nagtatrabaho sa media. Bilang isang kilalang manunulat at prodyuser sa telebisyon, naituro niya sa mga miyembro ng VOICES at iba’t ibang mga klub kung paano magsulat nang may tiwala sa sarili at may layunin na pinapatunayan sa bawat salita at akda. Idiniin din niya na bilang mga Pilipino ay hindi dapat makuntento ang isang indibidwal sa alam lamang nito. Dapat ay patuloy parin tayo magsikap sa pagpapatalim ng ating kaalaman at magkaroon ng lakas ng loob upang maipahayag ang katotohanan sa ating paligid pagsumusulat.

Maraming pasasalamat kay Bb. Aragona dahil ang kanyang paglalaan ng oras at kaalaman ay nagbigay inspirasyon sa mga kabataang nais pumasok sa larangan ng pagsulat, lalo na sa tahak ng panitikang Filipino. Ang kanyang kontribusyon ay hindi maitatanggi at patuloy na magsisilbing gabay sa mga susunod pang henerasyon.

Laging tandaan na ang wikang Filipino ay hindi lamang isang kasangkapan sa komunikasyon kundi isang mahalagang bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang isang lahi. Dapat ay patuloy tayo magsulat na mayroong pagmamahal sa bansa at magpahayag ng malalakas na mensahe upang makinig ang masa. Sa pamamagitan ng pagsulat sa Filipino, naipahahayag natin ang ating mga kwento, pangarap, at mga isyung may kinalaman sa ating araw-araw na buhay.

bottom of page